BICOL—Nadagdagan ng 246 na bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region ngayong araw, kaparehong bilang ng naitalang kaso kahapon.
Bunsod nito ay pumalo na sa 24,390 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon mula nang tumama ang pandemya.
Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na umabot sa 113 kung saan 40 nito ay mula sa Naga City, 17 sa bayan ng Sipocot, 11 sa bayan ng Buhi, tigpito ang bayan ng Magarao at Nabua, tig-anim ang bayan ng Calabanga at Lupi, apat sa bayan ng Milaor, tigtatlo ang bayan ng San Fernando at Pamplona, tigdadalawa ang mga bayan ng Camaligan, Pasacao at lungsod ng Iriga at tig-iisa ang mga bayan ng Bula, Pili at Tigaon.
Sumunod sa may mataas na kaso ang islang lalawigan ng Masbate na umabot sa 58 kung saan 29 nito ay mula sa Masbate city, siyam sa bayan ng San Fernando, tig-anim sa bayan ng Milagros at San Jacinto, tatlo sa bayan ng Monreal, dalawa sa bayan ng Mobo at tig-iisa ang mga bayan ng Baleno, Cataingan at Mandaon.
Ang lalawigan ng Sorsogon ay may 27 bagong kaso kung saan 15 nito ay mula sa Sorsogon City, tatlo sa bayan ng Juban, tigdadalawa ang mga bayan ng Donsol, Magallanes at Prieto Diaz at tig-iisa ang mga bayan ng Casiguran, Irosin at Sta. Magdalena.
Ang lalawigan ng Camarines Norte ay nagtala ng 18 bagong kaso kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Vinzons, tigtatatlo ang mga bayan ng Jose Panganiban, San Lorenzo Ruiz at Talisay, tigdalawa ang bayan ng Labo at Paracale at isa naman sa bayan ng San Vicente.
16 na bagong kaso ang naitala sa Albay kung saan lima nito ay mula sa lungsod ng Ligao, apat sa lungsod ng Legazpi, dalawa sa lungsod ng Tabaco at tig-iisa ang mga bayan ng Daraga, Malinao, Oas, Pio Duran at Sto. Domingo.
14 na bagong kaso naman ang naitala sa islang lalawigan ng Catanduanes kung saan anim nito ay mula sa bayan Virac, lima sa bayan ng Bato, dalawa sa bayan ng Pandan at isa sa bayan ng Gigmoto.
Samantala, pumalo na sa 19,648 ang total recoveries matapos na madagdagan ng 17 bagong gumaling. 91 nito ay mula sa lalawigan ng Masbate, 11 sa Sorsogon, siyam sa Catanduanes at anim sa Naga City.
Pumalo na rin sa 930 ang death toll matapos madagdagan ng apat na panibagong nasawi kung saan dalawa nito ay mulaa sa Albat, isa sa Masbate at isa rin sa Sorsogon.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.
𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || slm