Bicol region nagtala ng 20 bagong kaso ng COVID-19 variants of concern

BICOL—Pumalo na sa kabuuang 183 ang mga kaso ng COVID-19 variants of concern sa Bicol region matapos na makapagtala ng karagdagang 20.

Sa bio surveillance report ng Department of Health (DOH) Bicol, pinakamarami sa mga bagong kaso ay Delta variant na mayroong 16, tatlong Beta at isang Alpha.

Lima sa mga bagong kaso ng Delta variant ay mula sa Sorsogon, apat sa Masbate at tigtatlo ang Naga City at ang lalawigan ng Camarines Sur.

Tig-iisang kaso naman ng Beta variant ang Albay, Catanduanes at Naga City habang ang isang bagong kaso ng Alpha variant ay naitala sa Camarines Sur.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa kabuuan, Delta variant na ang may pinakamaraming bilang ng mga kasong naitala na umaabot na sa 78, sinundan ng Beta variant na mayroong 70 at Alpha variant na may 35.

Sa mga kaso naman sa bawat lalawigan at mga pangunahing lungsod sa rehiyon, ang lalawigan ng Albay ay mayroon nang 13 delta, 12 beta at dalawang Alpha; ang Camarines Norte ay may tatlong delta at pitong beta; ang Catanduanes ay may sampong Beta at walong Alpha; ang Masbate ay mayroong 20 Delta, pitong Beta at tatlong Alpha;

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ang Sorsogon ay may walong Delta, pitong Beta at limang Alpha; ang lungsod ng Legazpi ay may isang Delta, anim na Beta at isang Alpha variant at ang Naga City naman ay may 14 na Delta pitong Beta at isang Alpha variant ng COVID-19.

Kaugnay nito ay nilinaw ng DOH na base lamang sa mga specimens na naisumite at nasuri sa Philippine Genome Center (PGC) ang datus na ito at hindi ito ang talagang kabuuang bilang ng mga variants of concern na umiikot sa komunidad. Maaari umanong magbago ang record base sa magiging resulta ng gagawing imbestigasyon.### || slm