Kumpyansa ang National Economic and Development Authority o NEDA na maraming silang matatapos na Infrastructure Flagship Project o IFPs bago matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa Build Better More Forum, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan merong monitoring system ang pamahalaan upang matiyak na hindi naaantala ang implementasyon ng mga proyekto.
At kung meron mang delayed project, kailangang may i-presentang catch up plan ang ahensya na in-charge sa proyekto.
Sa ilalim ng Build Better More program ng pamahalaan, nasa 185 ang natukoy na IFPs sa iba’t ibang sector hanggang taong 2028 na nagkakahalaga ng kabuuang 9.54 trillion pesos.
Sa ngayon nasa 63 dito ang on-going at may tatlo nang nakumpleto.
Kabilang sa IFPs na nagawa na ay ang Samar Pacific Coastal road project, Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation Measures in Low Lying Areas of Pampanga Bay Project at ang Flood Risk Improvement and Management project for Cagayan de Oro River.