Bicol most wanted na NPA, arestado

Arestado ang regional most wanted person (RMWP) na kasapi ng New People’s Army na may kinakaharap na kaso matapos na hainan ito ng kanyang warrant of arrest  sa Brgy Mintac, Cataingan, Masbate.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, hapon noong linggo nang maaresto ang akusado na si Alias RicRic  o alias Ka Alpon, 41-anyos, may asawa, laborer at miyembro ng L2, Platun 3, KomProb 4 sa ilalim ng pamumuno ni Ka Denden o Ka Garry, commander ng nasabing hukbo at nag-ooperate sa pangatlong distrito ng lalawigan ng Masbate.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station
Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang nasabing rebelde ay nahaharap sa kasong murder na walang itinakdang piyansa.

Ang warrant of arrest na may petsang Setyembre 6 ng kasalukuyang taon ay ipinalabas ng RTC Br 49, Masbate.