Nanawagan ang Bureau of Immigration ng agarang aksyon mula sa iba’t ibang ahensya sa gitna ng isyu sa pagtaas ng bilang umano ng mga Chinese students Pilipinas.
Sa isang pahayag, Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na humiling siya sa Commission on Higher Education (CHED), na chairman ng inter-agency committee on foreign students (IACFS), na magkaroon ng high level meetibg para linawin ang papel ng bawat ahensya sa pagpapahintulot sa mga dayuhang mag-aral sa bansa.
Ang hiling ay nagmula sa napaulat na dami umano ng mga Chinese students sa Tuguegarao,Cagayan na nagresulta sa pagpapatawag ng imbestigasyon mula sa mga miyembro ng House of Representatives at Senado dahil umano sa banta sa seguridad.
Batay sa datus ng BI, may kabuuang 1,516 Chinese ang binigyan ng student visa sa Cagayan, lahat ay ini-endorso ng isang pangunahing unibersidad sa Pilipinas.
Gayunpaman, hanggang Abril, mayroon lamang 485 ang kasalukuyang naka-enroll at 96 lamang ang onsite na may student visas.