Lalaki, arestado matapos mahuli sa akto habang humihithit ng hinihinalang marijuana sa Mauban, Quezon

Arestado ang isang lalaki matapos itong mahuli sa akto habang humihithit ng hinihinalang marijuana sa Barangay Sadsaran, Mauban, Quezon nitong Sabado, Mayo 11.

Ayon sa report, nagsasagawa noon ng monitoring ang mga awtoridad nang makita nila sa akto ang suspek na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Nasamsam mula sa kanya ang hinihinalang marijuana, improvised pipe at isang disposable na lighter.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *