Pangulong Marcos, nagpa-abot ng pagbati kay Indian PM Modi sa muling pagkapanalo sa eleksyon

Nagpa-abot ng pag bati si Pangulong Bongbong Marcos kay Narindra Modi sa muli nitong pagkaka luklok bilang Prime Minister ng India.

Sa kanyang official X account, sinabi ni Pangulong Marcos na umaasa syang patuloy na magiging matibay ang bilateral at regional partnership ng Pilipinas at India sa darating na taon.

Read More:  DILG suspends 2 SK chairpersons in Makati over alleged corruption

Nabatid na nasa 70 taon na ang diplomatic relations ng Pilipinas at India mula pa noong taong 1949.

Read More:  CPP claims 9 civilians killed in Toboso encounter

Samantala ito na ang pangatlong pagkakataon ng pagkaka panalo ni Modi bilang Punong Ministro ng India.