Lalawigan ng Camarines Norte walang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa loob ng mahigit isang linggo

CAMARINES NORTE- Magkakaroon nga ba ng Paskong walang aktibong kaso ng COVID-19 ang Camarines Norte?

Ito ang hangad ngayon ng mga Camnortenio matapos ang patuloy na pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa porbinsya.

Sa katunayan, ika-9 araw na ngayon na walang panibagong kasong naitatala ang probinsya sa report ng DOH Bicol Kahapon

Ang huling isang kaso ng naitala ay nagmula sa bayan ng Basud na may petsang December 04, 2021 at hindi pa ito nasusundan hanggang sa kalukuyan

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ang bayan ng Daet at Vinzons base sa report ng kanilang Municipal Health office ay Zero case na sa COVID-19 habang hinihintay sa kasalukuyan ng Brigada News FM Daet ang ipapalabas na update ng Provincial Health office sa kanilang aktuwal na report kung alin pa sa mga bayan ang wala ng aktibong kaso

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Base kasi sa report ng DOH Bicol Kahapon ang lalawigan ng Camarines Norte ay may 88 pang aktibong kaso, nasa 2,908 na ang ang mga pasyenteng gumaling sa sakit at 172 ang naitalang nawalan ng buhay

Mula ng maranasan ang pandemya sa lalawigan ay nakapagtala ang probinsya ng kabuuang bilang na 3,168