BGYO, inatras ang reklamo laban sa isang netizens matapos mag-sorry sa kaniyang ginawang paninira

Personal na humingi ng tawad sa BGYO ang isang netizen kaugnay sa ginawa niyang paninira sa grupo sa social media.

Sa kanilang social media, naglabas ng statement ang P-Pop boy group kaungay sa isa sa mga indibidwal na sinampahan nila ng kasong cyber libel dahil sa umano’y pagpapakalat ng malisyosong akusasyon.

Ayon sa grupo, personal na humingi ng paumanhin at umamin sa pagkakamali si Rachel Galang.

Dahil dito, iuurong na ng grupo ang kaso laban sa kanya bilang konsiderasyon sa kanyang pamilya.

Gayunpaman, tuloy pa rin umano ang mga kasong isinampa nila laban sa ibang indibidwal.