BFP Calabanga nabiktima ng Prank Text!

NAGA CITY- Dali-daling rumisponde ang Bureau of Fire Protection nang makatanggap ng mensahe mula sa numerong 0970-625-3315 na nasusunog ang aklatan ng Manguiring Elementary School, Calabanga Camarines Sur pasado alas-9 Martes ng gabi.

Sa pangunguna ni Insp. Jeremias Mota Jr, Acting Municipal Fire Marshal tumungo ang team na handang-hangang umapula ng sunog, subalit nang karating sa halip na apoy ay dilim ang nakita, it’s a prank pala!

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kwento sa Brigada News FM Naga ni FO1 Kevin Paul Kaganda, walang usok, walang apoy, nakalock ang pinto ng Library.

Ilang beses na tinawagan ang texter na dalawang beses pa nga nagpadala ng mensahe subalit hindi na ito ma-contact ng mga tauhan ng BFP.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Babala ni Kaganda, ang sinumang tutulad dito na magiging prank texter at caller o sinumang magbibiro sa BFP na may sunog ay maaaring maharap sa kasong paglabag sa Section 1, Rule 11 ng RA 9514 o Fire Code of the Philippines na may administrative fine na Php37,000.00 hanggang Php50,000.00.

Nakikipag ugnayan na sa himpilan ng pulisya ang BFP para matukoy ang salarin.