BFP Basud pinangunahan ang simulation and drill exercises kaugnay sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month

CAMARINES NORTE- Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection sa bayan ng Basud, Camarines Norte katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang simulation and drill exercises kaugnay sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.

Noong nakatalikod na Lunes ginawa ang naturang aktibidad sa Municipal Ground na nilahukan ng mga opisyal ng iba’t- ibang barangay.

Dito ay nagsagawa ng lecture si Municipal Fire Marshall Insp. Socorro Tabaniag upang ipaliwanag sa mga participants ang kahalagahan ng kahandaan sa panahon ng sakuna partikular ang sunog.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Tinuruan ang mga ito ng iba’t ibang technique sa pag apula ng apoy.

Nagkaroon ng bucket relay at tinuruan ang mga participants kung paano ang tamang paghawak sa tubo ng tubig mula sa fire truck.

Sa mga susunod na araw ay dadalhin na ng BFP sa mga Barangay ang kahalintulad na aktibidad.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa Tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan.”

Kung maalala ay nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa publiko na lumahok sa mga aktibidad na may kaugnayan sa NDRM at sa mga programa ng iba pang NDRRMC-member agencies na naglalayong palakasin at katatagan ng mga komunidad.