Coconut-Carabao Development Project sa Camarines Sur makokompleto na

NAGA CITY- Makokompleto na ang Coconut-Carabao Development Project sa Pasacao Camarines Sur.

Naibaba na ang ika-apat na batch; dagdag na 24 ang naipamahagi na sa mga taga Caranan, Odicon, Macad, Bahay at  Quitang. 45 na mga magniniyog ang magkakaroon ng tig dalawang babaeng kalabaw.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCA CamSur I Provincial Manager John Villareal, posibleng bago matapos ang Hulyo makompleto na ang 90.  Ipinaliwanag nitong hindi madali ang paghahanap ng tiyak na maganda ang gatas , sinusuri ito ng Philippine Carabao Center upang hindi masayang ang pag-aalaga ng mga magsasaka.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Bukod sa katuwang sa pagsasaka, kikita pa sa dairy production.  Kapag maayos na ang mga pasilidad , ang gatas ay ibebenta sa cooperative at ipoproseso para sa feeding program/ milk activity ng Department of Education (DepEd) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Kasama ng PCA sa proyekto ang Provincial Government ng Camarines Sur. Ayon kay Gov. Luigi Villafuerte , malaking tulong ito para sa income ng  Pasacao Women’s Agriculture Cooperative ang pasteurized milk, pastillas, kesong puti at iba pa.