BFAR – tiniyak na tuloy pa rin ang mga resupply mission sa kabila ng pambobomba ng tubig ng China

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na patuloy pa rin ang mga resupply mission nito sa kabila ng pambobomba ng tubig ng China.

Kasunod rin ito ng panibagong pangha-harass ng China sa dalawang barko ng BFAR sa Bajo de Masinloc.

Read More:  DICT confirms online posts encouraging people to cause trouble at the Senate

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, sinabi nitong hindi mapipigilan ang pag-monitor at pagsasagawa ng mga misyon ng BFAR kaugnay sa mga insidente sa West Philippine Sea (WPS).

Kaugnay nito, sinabi rin ni Briguera na kung sino man ng dapat na umiwas o gumawa ng hakbang sa nangyayaring insidente ay dapat ang mga China Coast Guard (CCG).

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Sa huli, patuloy naman ang pagsuporta ng pamahalaan sa mga mangingisda na nasa WPS sa pamamagitan ng Livelihood Activities to Enhance Fisheries Yields and Economic Gains from the West Philippine Sea (LAYAG-WPS).