BFAR, planong maglabas ng mas mahusay na regulasyon sa pag-aangkat ng isda

Plano ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na maglabas ng mas mahusay na regulasyon sa pag-aangkat ng isda sa unang bahagi ng 2023.

Ang pahayag ay kasunod ng pagdinig ng Senate Committee on Food and Agriculture sa pagbabawal ng pagbebenta ng pink salmon at pompano sa mga wet markets.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Sinabi ni BFAR officer-in-charge Demosthenes Escoto,  na ang ahensya ay humihikayat  ng mas maraming stakeholders upang lumahok sa pagrepaso ng Fisheries Administrative Order No 195.

Kasama sa konsultasyon ang mga importers, fisheries, market vendors, at may-ari ng mga supermarkets at groceries.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Nauna nang binatikos ni Sen. Raffy Tulfo ang BFAR sa pagbabawal sa mga wet market vendors na magbenta ng pink salmon at pompano, kung saan tinawag niya ang kautusan na “very anti-poor.”

Samantala sinabi naman ni Sen. Cynthia Villar na dapat tugisin ng BFAR ang mga smugglers at huwag ilagay ang pasanin na ito  sa maliliit na nagtitinda.//CA