PBBM, layuning ilatag sa hari ng Belguim ang pagkakaroon ng strategic partnership

Inaasahang makikipagkita si Pangulong Bong Bong Marcos sa hari ng Belgium na si King Philippe kasabay ng pag-attend nito sa Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) Commemorative Summit ngayong araw hanggang December 14.

Sa pahayag ni Marcos sa Filipino community sa Brussels, sinabi nitong magiging magandang oportunidad na makipagdayalogo ang Pilipinas sa hari kaugnay sa ninanais ng bansa na strategic partnership, na maaaring humantong sa pagkalagda ng Philippines-Belgium Joint Plan of Action for 2023 to 2027.

Read More:  DOT suspends some travel near Mayon Volcano amid unrest

Layunin ng naturang joint plan ang pagpapaigting ng bilateral cooperation, at pagkakaroon ng mga pag-uusap na tatalakay sa regional at global issues of mutal concern.

Dagdan ng pangulo, nananatiling masigla at matibay ang relasyon ng dalawang bansa, base sa shared values, common interests, at magandang reputasyon na binuo ng mga Pilipino, hindi lamang sa Europa, kundi maging sa buong mundo.

Read More:  Comelec says it is 95% ready for the BSKE

Samantala, sa kanyang pre-departure speech sa ASEAN-EU Summit, sinabi ng president na isusulong niya ang mga prayoridad ng bansa gaya ng post-pandemic recovery, trade, maritime cooperation, at climate action. // SMM