Susuriin uli ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 3 ang tubig sa ilog sa Barangay Pagasa sa Olongapo.
Ito ay kung papasa sa water sample ang tubig sa ilog para sa panibagong livelihood project na ibibigay ng BFAR sa mga benipisyaryo sa lugar.
Target ng BFAR na maglagay na ng mga sea cages sa ilog para sa isdang bangus o sea bass na idadagdag sa kabuhayan ng mga mangingisda sa lugar.
Samantala ang water sampling ay gagawin ngayong araw, August 26.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Kap. Rodolfo Catologan Sr.
