‘Better Christmas’ para sa mga Pilipino, posible pa rin- Galvez

Target umano ng National Task Force against COVID-19 na magkaroon ng mas maayos at masayang Pasko ang mga Pilipino sa darating na Disyembre kaya’t mas pinapaigting pa ng pamahalaan ang vaccination program sa bansa.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., sa pamamagitan ng mabilis na pagbabakuna at patuloy na pagdating ng mga vaccine supplies, kayang-kayang makamit ang minimithing “better Christmas” sa Disyembre sa NCR at iba pang lugar sa bansa.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Aniya, sinisikap ng pamahalaan na ma-maximize ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR para mapabilis ang pagbabakuna at makapagturok ng 250,000 shots kada araw.

Mababatid na noong Hunyo, nagkaroon ng ideya ang Malacanang sa “mask-less” Christmas ngunit tila imposible pa ito sa ngayon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso na nairecord ng Department of Health (DOH).

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa kasalukuyan, nasa higit 12 milyong Pilipino na ang fully vaccinated sa bansa at nasa 14 milyon naman ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna.