Kaso ng COVID-19 sa Bicol pumalo na sa mahigit 22.7k

BICOL—Pumalo na sa 22,713 ang kabuuang kaso ng COVID-19    sa Bicol region matapos na madagdagan ng 131 ngayong araw ng Linggo.

48 ang bagong kasong nadagdag sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan 24 nito ay mula sa Naga City, apat sa bayan ng Nabua, tigtatatlo ang bayan ng Goa, Minalabac at lungsod ng Iriga, tigdadalawa ang bayan ng Baao, Buhi, Ocampo at San Fernando at tig-iisa ang mga bayan ng Gainza, Milaor at San Jose.

Ang lalawigan ng Masbate ay nagtala ng 38 bagong kaso kung saan 17 nito ay mula sa Masbate City, walo sa bayan ng Aroroy, lima sa bayan ng Uson, tigtatlo ang bayan ng Balud at San Fernando at tig-isa ang bayan ng Batuan at Cawayan.

14 na bagong kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Bulusan, tatlo sa Sorsogon City, tigdalawa ang bayan ng Gubat at Matnog at tig-iisa ang mga bayan ng Bulan, Casiguran at Pilar.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

11 bagong kaso ang naitala sa Albay kung saan lima ang nagmula sa lungsod ng Legazpi, apat sa bayan ng Oas at tig-isa ang bayan ng Malilipot at Polangui.

Sampong kaso ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Sta. Elena, dalawa sa bayan ng Jose Panganiban at tig-iisa ang mga bayan ng Capalonga, Daet, Mercedes at Talisay.

Sampong kaso rin ang nadagdag sa Catanduanes kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Pandan at tigdalawa ang bayan ng Baras at Virac.

Samantala, 36 na mga bagong gumaling ang nadagdag kung kaya sumampa na sa 18,660 (82.16%) ang total recoveries sa COVID-19 sa rehiyon. 35 nito ay mula sa Albay at isa naman sa Sorsogon.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Pumalo na rin sa 856 (3.77%) ang death toll matapos madagdagan ng tatlo, dalawa nito ay mula sa Albay at isa naman sa Sorsogon.

Sa ngayon ay nasa 3,197 (14.08%) pa ang aktibong kaso ng sakit sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm