Beteranong direktor na si Romy Suzara, pumanaw na

Kinumpirma ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na pumanaw na ang beteranong filmmaker na si Romy Suzara.

Inihayag ng senador ang pagkamatay ni Suzara sa kanyang Facebook post kahapon.

Kilala si Suzara sa kanyang husay sa paglikha ng mga pelikula kabilang na ang mga sikat na “Mga Uod at Rosas,” “Pepeng Shotgun” at “Sarah… Ang Munting Prinsesa.”

Nagbigay pugay si Revilla sa namayapang direktor at nagsalita tungkol sa naging kontribusyon nito sa industriya ng pelikula.

Itinuturing din ng senador si Suzara bilang isang “humbling and worthy experience” ng aktor sa kanyang career.

Samantala, hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang pamilya ni Suzara hanggang sa ngayon. (RSB | PHOTO: @cinema76fs)