Ikinatuwa ng Gilas Pilipinas coaches na makakalahok na si Japeth Aguilar ng Barangay Genebra para sa paparating na window ng FIBA World Cup Asian qualifiers.
Bilang mainstay ng national team program, sumali lamang si Aguilar sa Gilas practice noong Linggo matapos maglabas ng negatibong resulta ng COVID-19 test.

Preparado na ang team Gilas at kasado na ang 13-man roster nito laban sa Lebanon.
Pahayag ni Sonny Barrios, tagapagsalita ng Samahang Basketbol Pilipinas (SBP), talagang gusto umano si Aguilar ni Coach Chot Reyes na mapahanay sa line-up matapos itong tanungin sa isang forum.
Ayon kay Barrios, mahigpit umanong binabantayan ng Gilas medical team si Aguilar at tiniyak na wala itong kahit anong sintomas ng COVID-19.
Samantala, nakatakdang makaharap ng Gilas ang Lebanon sa darating na ika-25 ng Agosto bago ito bumalik sa Manila upang makipagtuos naman sa Saudi Arabia sa August 29. (RSB | PHOTO: FIBA)