KORONADAL CITY- SUMUKO ang dalawang miyembro ng New Peoples Army o NPA sa mga otoridad sa bayan ng Tboli, South Cotabato.
Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang mga matatas na uri ng baril. Agad namang binigyan ni Tboli Mayor Keo Dayle Tuan ng cash assistance ang nasabing rebelde at ipina-enrolled sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).
Layunin ng nasabing programa na matulungang makabalik sa kuminidad at mabigyan ng pangkabuhayan ang mga rebeldeng nagbabalik-loob sa gobyerno.
Panawagan naman ng opisyal sa mga kasamahan ng dalawa na sumuko at magbalik loonb na sa gobyerno upang makapamuhay nang matiwasay.
