Kampo ni suspended Mayor Guo – tumanggi na munang magkumento sa mga sunud-sunod na pasabog hinggil sa kaniyang pagkatao

Naniniwala ang kampo ni Bamban Mayor Alice Guo na masiyado pang maaga para magkumento hingil sa mga recent developments sa mga isyung kanilang kinahaharap.

Kasunod ito ng pagkakabunyag kahapon ng isa pang ‘Alice Leal Guo’; pati na rin ang umano’y pagiging Chinese national ng kaniyang kapatid.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Bagamat ‘di nag-match ang fingerprint ng kaniyang kapangalan, pareho naman ang kanilang mga kaarawan, at lugar ng kapangananak.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Stephen David na hindi pa raw nila masasabi kung ‘genuine’ o lehitimo ang mga bagong ipinresentang dokumento.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kailangan pa raw kasi itong ma-validate nang maayos.

Sa kabila niyan, inihahanda na rin nila sa ngayon ang mga depensa ng kanilang kampo.