Bumili ng apartment sa Madrid, Spain ang aktres na si Bea Alonzo.
Sa kanyang YouTube vlog, ibinahagi ni Bea ang bagong milestone, at sinabing matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay sa Europe para sa kanyang pamilya.
Pagbabahagi nito, na ang kanyang space ay nasa magandang lokasyon, may dalawa hanggang tatlong kwarto, maraming bintana, may elevator, at heating at cooling system.
Matapos umano ang paghahanap mula sa anim na mga bahay sa iba’t-ibang kalapit na luagr, napili ni Bea sa Chamberi, na ikalawang property umano na kanyang nakita.