Idineklara ni Mayor Jerry Treñas ang state of calamity sa Iloilo City matapos itong maapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Odette.
Sa isang press conference, ay sinabi ni Treñas na magkakaroon ang siyudad ng mas malawak na access sa mga ayuda na manggagaling sa national government matapos ang naturang deklarasyon.
Inanunsyo rin ng alklade na makakatanggap ang mga pamilya na may mga bahay na totally damaged ng P10,000 na ayuda, habang ang mga may bahay na partially damaged ay makatatanggap ng P4,300.
Mababatid na naiulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa isa lamang ang napaulat na nasawi sa Iloilo City dahil sa bagyo.
