Baybaying dagat ng Milagros, Masbate, positibo pa rin sa Toxic Red Tide

Positibo pa rin sa toxic red tide o Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) ang coastal waters o baybaying dagat na sakop ng bayan ng Milagros, Masbate.

Ito ay base sa Shellfish Bulletin no. 08 na inilabas Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Bicol.

Dahil dito, ipinagbabawal ng ahensya ang pagkain ng shellfish at alamang na galing sa nasabing dagat dahil magdudulot ito ng masamang epekto sa katawan ng tao.

Sa kabila nito, negatibo naman sa toxic red tide ang Sorsogon Bay; Juag Lagoon sa Matnog, Sorsogon; at baybaying dagat ng Mandaon, Masbate. ###

Image: BFAR Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *