Bayan ng Labo at Sta. Elena nakapagtala ng tig-isang panibagong kaso ng COVID-19 kahapon

CAMARINES NORTE- Muling nakapagtala ang Department of Health ng dalawang panibagong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte

Ang panibagong kaso ay naitala mula sa bayan ng Labo at Sta. Elena dahilan upang umakyat sa 94 ang aktibong kaso ng sakit

Sa Case Bulletin ng DOH Bicol na ipinalabas kahapon, umabot na sa 413 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lalawigan mula pa noong Marso 2020.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nananatili sa 297 ang bilang ng mga pasyente na nakarekober  matapos nga na maitala ang record high nitong Martes na may recovery rate na 71.91%

Habang 22 ang bilang ng mga nasawi na sa sakit

Sa nakaraang operational period briefing ng Camarines Norte IMT, patuloy pa ring umaapela si Atty Don Culvera, Provincial Legal Office/ Unified Incident Commander sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols upang maipagpatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nakakarekober sa sakit

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Habang ayon naman kay Acting PHO Dr. Arnel Francisco, nagpapatuloy sa ngayon ang pagbabakuna sa mga nasa A2 at A3 categories ng prioritization ng vaccination roll-out sa 12 bayan ng Camarines Norte