Bayan ng Daet ipagbabawal na ang paggamit ng mga single use plastic sa susunod na taon ayon sa MENRO

CAMARINES NORTE – Inaasahang ipagbabawal na ang paggamit ng mga single use plastic sa bayan ng Daet, Camarines Norte kabilang ang plastic bag at mga kubyertos na gawa sa plastic.

Ito ay ayon sa panayam ng Brigada News FM Daet nitong lunes kay Dr. Ronaldo Paguirigan head ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng naturang bayan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon pa sa opisyal nakapaloob ang nasabing ordinansa sa environmental code ng daet at inaasahang ipapatupad ito sa unang buwan ng taong 2024, kung saan layunin nito na mabawasan ang basura na isa sa dahilan ng pagkasira sa ating kalikasan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Samantala, natapos na ng ahensya ang information campaign sa mga pinuno ng mga barangay tungkol sa nasabing ordinansa at kasalukuyang isinasagawa ang information campaign sa mga establisyemento dito sa bayan ng daet, kung saan pinapayuhan ng ahensya ang mga nagtitinda ng single use plastic na ubusin na lamang ang imback na paninda.