LEGAZPI CITY – Nakatanggap ng ‘e-titles’ ang mahigit 200 magsasaka na miyembro ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa lalawigan sa Albay.
Ayon kaya Geri Buensalida, tagapagsalita ng Department of Agrarian Reform (DAR) Bicol, ito ay isinagawa sa ilalim ng proyekto ng ahensya o ang ‘Support to Parcelization of Lands for Individual Titling’ (SPLIT).
Ang mga ipinamahaging ‘e-titles’ ay may kabuuang sukat na 1,977 hectares ng lupang pang-agrikultura sa rehiyon na may layong matulungan ang mga lokal na magsasaka.
Samantala, sa buong rehiyon ng Bicol ay umabot na sa 1,229 ang nakatanggap nito kung saan 289 dito sa Albay; 375 sa Camarines Sur; 210 sa Sorsogon; 141 sa Masbate; 136 sa Camarines Norte; habang 78 naman sa Catanduanes.