LEGAZPI CITY – Pinangunahan ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang pagpupulong sa 11 working clusters ng Disaster Response Desk (DRD) upang talakayin ang posibleng pagbabago sa mga nakatalagang gawain.
Ayon kay APSEMO Chief Dr. Cedric Daep, ang posibleng pagbabago ng mga gawain ay upang mapadali ang pagtugon sa operasyon sa Bulkang Mayon.
Napagpasyahan ng DRD na pagsamahin ang Food Security at Livelihood Clusters na ngayon ay pinamumunuan ni Provincial Social Welfare and Development Officer Ma. Vivien Cea.
Si Alvin Cuz, ay itinalaga naman upang mamuno sa Kagawaran ng Edukasyon.
Sa pamamagitan ng Education Cluster, magiging responsable ang DEPED sa pagpapalakas ng education support system upang maiangat ang kamalayan ng mga bakwit hinggil sa impormasyong may kinalaman sa bulkan upang hindi sila mag-panic at maipaalam agad ang sitwasyon ng bulkan.
Samantala, ang Environment and Tourism Cluster naman ay pangungunahan ni Provincial Tourism, Culture, and Arts Officer, Ms. Dorothy Fernandez Colle.