Bayan ng Daet bumaba na sa 5 ang aktibong kaso ng COVID-19

CAMARINES NORTE- Bumaba na sa 5 ang aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Daet as of November 15, 2021

Sa ipinalabas na report ng Daet IMT sa pamamagitan ng kanilang emergency operations Center, tatlo na lamang ang positibo sa RT- PCR test at dalawa ang positibo sa Rapid antigen Test

Habang umakyat na sa 982 ang mga pasyenteng gumaling sa sakit at nananatili naman sa bilang na 60 ang mga nawalan ng buhay dahil sa COVID-19

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Kasalukuyan namang may 1,045 ang total cases at20  ang under monitoring ng EOC.

Sa ngayon ang mga Barangay na mayroong aktibong kaso ay Barangay 2, Barangay VIIat Mambalita  na may tig-i-isang kaso habang may dalawa pang aktibong kaso ang Brgy Pamorangon

Ngayong araw ay ipinatupad na ang Alert Level 2 sa lalawigan at tatagal ito hanggang sa November 30, 2021 upang pag-aralan muli ng mga eksperto ang magiging alert restrictions sa rehiyon

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ngayong araw din ay hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield

Magiging mandatory lamang ang face shields sa mga lugar na nasa Alert Level 5 o ang pinakamataas na classification ng gobyerno at mga lugar na nasa granular lockdowns.

Ipapaubaya naman ang desisyon sa mga pribadong establisimiyento at Lokal na Pamahalaan kung gagawing mandatory ang pagsusuot ng face shield kapag ang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 4.