Wagi sa second-round TKO si Melvin Jerusalem kay defending titlist Masataka Taniguchi sa Osaka, Japan.
Inangkin ni Jerusalem ang World Boxing Organization minimumweight crown.

Ito ang pang-siyam na sunod na panalo ng tubong Bukidnon para itaas ang kanyang win-loss-draw ring record sa 20-2-0 kasama ang 12 knockouts, habang nalasap ni Taniguchi ang ikaapat na talo sa 20 laban.
Ang 28-anyos na si Jerusalem ang pinakabagong world champion ng Pilipinas matapos mabigo ang limang Pinoy world title-holders noong nakaraang taon.//CA