Batangas at mga kalapit na Lalawigan – niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bahagi ng Batangas ngayong umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa layong 5 kilometro mula sa Calaca, Batangas.

May lalim ito na 14 kilometro, at tectonic ang origin.

Inaasahan din ang pinsala at mga aftershocks.

Naitala ang Intensity V sa Lemery sa Batangas.

Intensity IV naman sa Ibajay, Aklan; Cuenca, Bauan, Sta. Teresita, San Luis, Batangas; Tagaytay City, Cavite; at Muntinlupa City.

Intensity III sa Culasi, Antiqu; Laurel, Batangas City, sa Batangas; Dolores, sa Quezon.

Intensity II sa Talisay, Rosario, Batangas; Magallanes, sa Cavite; Boac, sa Marinduque; Las Pinas, Pasay, sa Metro Manila; Rosario, Northern Samar; Puerto Galera, sa Oriental Mindoro; Mauban, Polillo, Gumaca, sa Quezon; Taytay, at Antipolo sa Rizal.

Intensity I naman ang naramdaman sa Dinalupihan, Bataan; Malvar, Batangas; Malolos City, Guiguinto, sa Bulacan; Ternate, sa Cavite; Cebu City, Cebu; Candon, Ilocos Sur; San Pablo, Laguna; Tubod, Lanao del Norte; Malabon City, Pateros, San Juan City, Paranaque City, Metro Manila; Abra De Ilog, Mamburao, Occidental Mindoro; Bani, Pangasinan; Lucban, Lucena City, Alabat, sa Quezon; at Tanay, Rizal.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *