9 na mga bayan sa Camarines Sur hindi napabilang sa may Functional Ratings sa  2022 Peace and Order Council Performance Audit ng DILG

CAMARINES SUR- 9 na mga bayan sa Camarines Sur ang hindi nabigyan ng Functional Ratings sa  2022 Peace and Order Council Performance Audit ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Sa 36 na mga mga bayan at isang lungsod 25 lamang ang nakasama. Ang siyam naman na hindi ay ang Balatan, Bula, Calabanga, Garchitorena, Minalabac, Pasacao, Pili, Sagñay at San Jose.

Ayon kay Minalabac Mayor Chris Lizardo, maaring nagkaroon sila ng pagkukulang sa dokumento pero hindi naman aniya ito nangangahalugan na walang kaayusan ang bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay DILG Camarines Sur Provincial Director Julius Rodel L. Cal-Ortiz, CESE , sinabi nitong may mga parameters at alituntunin silang tiningnan kasama ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at iba pang kasama sa interagency, pati aniya attendance ng mga nararapat na personaheng nasa mga meeting kasali. May mga LGU na kinulang sa dokumento at iba pang requirements.

Binigyan diin nito na ang 69% na rating ay mas mataas na kumpara noong 2021, itutuloy aniya ang pagsisikap na maabot ang 100% rating.  

Samantala , ang independent City na Naga ay nakakuha ng 96.71%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *