Bataan isinailalim sa State of Calamity

Isinailalim na sa State of Calamity ang lalawigan ng Bataan dahil sa mga pinsalang dulot habagat na dala ng bagyong Carina nitong nakaraang apat na araw.

Ito ay sa bisa ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 305, kasunod ng pagbaha sa sampong bayan at siyudad sa lalawigan.

Read More:  75-year-old woman stabbed dead by her live-in partner Davao de Oro

Sa ulat ng Provincial Government, nasa 1,450 pamilya o 5,428 indibidwal ang inilikas at dinala sa mga evacuation centers.

Read More:  MILF convoy stopped at Lanao del Norte checkpoint

Kaugnay nito, milyun-milyong rin ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa buong Bataan na sumira sa mga pananim at maging sa sektor ng pangingisda.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Gov. Joet Garcia