SSS pensioner na hindi nag-comply sa ACOP as of March 2024 tigil muna ang pagtanggap ng pensyon

CAMARINES NORTE – Awtomatikong matitigil ang pagtanggap ng buwanang pensyon ng mga pensyonadong hindi nag- comply sa  Annual Confirmation of Pensioners o ACOP as of March 2024/

Sa panayam ng Brigada News FM sinabi ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na dati ay 85 anyos lang ang nire- require mag- comply sa ACOP pero ngayon ay ibinaba ito sa 80 anyos kahit pa ang pensionado ay naninirahan sa Pilipinas o abroad.

Ipinatupad ang panuntunang ito simula noong Marso. Dati ay ang mga retiree pensioners lang na nakatira abroad, total disability pensioners, death or survivor pensioners at mga dependent children under guardianship ang kailangang mag comply sa ACOP.

Para makapag-comply, maaari itong personal appearance o visual confirmation sa pamamagitan ng over-the-counter sa SSS branch at video conferencing sa pamamagitan ng SSS-prescribed internet platforms.

Kapag walang personal appearance, kailangang gawin ito sa pamamagitan ng sulat, e-mail o ang guardian at authorized representative ng mga piling bangko at iba pang paraan ng SSS.

Sa sandaling makapag comply na sa ACOP ay magpapatuloy na uli ang pagtanggap ng buwanang pensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *