Barko ng BFAR, binomba ng tubig ng barko ng China sa Bajo de Masinloc ayon sa Philippine Navy

Binomba ng tubig ng barko China ang barko ng BFAR na nakapwesto sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Navy spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad.

Read More:  LTO Mati conducts free theoretical driving course in Mati City

Ayon kay Trinidad, nakatanggap sila ng impormasyon sa nangyaring “water cannon incident” na kagagawan ng Chinese Coast Guard vessel ngayon lang umaga, October 8.

Read More:  4Ps beneficiaries defend program amid online criticism over reported benefits

Maliban dito, tumanggi nang magbigay ang AFP ng iba pang detalye sa nagyaring insidente at ipinauubaya na ito sa BFAR.