Huling araw ng COC filing – nauwi sa putukan sa Shariff Aguak

Naantala ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga political aspirant sa bayan ng Sharif Aguak, Maguindanao Sur, dahil sa palitan ng putok sa pagitan ng dalawang armadong grupo.

Ayon Kay Shariff Aguak Municipal Police Chief, PLt.Col. Reggie Albellera, may isang vice mayoralty aspirant ang maghahain sana ng kanyang kandidatura sa COMELEC Office ng Maguindanao Sur ngunit sinilbihan lamang siya ng warrant of arrest ng mga pulis dahil sa nakabinbin nitong kaso sa korte.

Read More:  Prosecutor Terry Ridon gets stern warning over alleged sub judice violation

Dahil dito, nagkaroon ng tension sa gitna ng ilang ng mga supporters ng naturang kandidato at ng ibang partido at ng otoridad.

Nagkaputukan sa tapat ng municipal hall ng bayan.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Tikom-bibig na Ang kapulisan sa ilan pang detalye ng naturang insidente.

Patuloy na pinahuhupa ng otoridad ang sitwasyon.

Ang mahalaga anila, walang nasaktan sa naturang insidente at under control na ang sitwasyon. (with reports from ROY HOLGADO – 89.3 BNFM COTABATO)