Baril, bala at pampasabog na pag-aari ng NPA, nahukay sa bayan ng Juban; 3 NPA sumurender sa Sorsogon

Narekober ng tropa ng 22nd IB ang mga baril, bala at iba pang war materials makaraang mahukay ang mga ito sa Brgy Calmayon, Juban, Sorsogon.

Ayon sa naantalang report mula sa 22nd Infantry Battalion, ang mga war materials kasama ang mga medical paraphernalias ay nakalagay umano sa isang drum.

Ang mga nahukay ay kinabibilangan ng  M-1 carbine, isang AR-9, isang KG-9, isang Molotov, 350 na bala para sa M16, 10 metrong kable na gamit sa pampasabog at mga medical paraphernalias.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Natunton ang nakabaon na war materials sa tulong ng isang sumurender na NPA na si Ka Gohan.

Si Ka Gohan ay kasapi ng Platun 1, L2, KP3 at isinurender din nito ang isang kalibre 38 na revolver.

Samantala, 2 NPA ang boluntaryong sumurender sa Casiguran MPS, kinabibilangan ito ng isang 42-anyos na logistic officer at isang 61-anyos na miyembro ng Platun 1, L1, KP3.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa Sorsogon City naman ay sumurender ang isang 39-anyos na miyembro ng L1, KP1 sa ilalim ng hukbo ni Celso Menguiz Command.

Ang mga ito ay nagpakita ng kanilang intensyon ng pagbabago, katapatan at pagtitiwala sa gobyerno at nangakong susundin ang mg utos ng mga awtoridad.