International cruise ship, inaasahang dadaong sa Legazpi City sa unang linggo ng Mayo 2023

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) Bicol na nakatakdang dumaong sa unang linggo ng buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon ang International Cruise ship sa pantalan ng Legazpi City.

Ayon kay DOT Bicol, regional director, Herbie Aguas, maglalayag papuntang Pilipinas ang cruise ship mula sa Palau.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Unang pupuntahan ng nasabing barko ay ang lunsod, kasunod nito ang Calaguas, Camiguin at ang huling destinasyon nito sa bansa ay ang Batanes at ang pinakahuling mga bans na pupuntahan ay ang Taiwan, Japan at Korea.

Ang cruise ship na dadaong sa lunsod ay pananatilihing pribado, para sa kaligtasan ng mga turista.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ang MS Hanseatic Nature ay ang 2nd cruise ship ng Hapag-Lloyd na bumisita sa Legazpi, pagkatapos ng MS Bremen na bumisita rin noong nakaraang 2018.

Maglalagay rin ang ahensya ng Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) para na rin sa sa seguridad ng mga turista.