Baril at nasa ₱1.6million halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa Tiaong, Quezon

Arestado ang isang lalaki matapos itong makumpiskahan ng mahigit 1.6 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Lagalag, Tiaong, Quezon nitong Linggo, Abril 14.

Sa ikinasang drug buy-bust operation, nahuli sa akto ang suspek na si alyas “Neil”, 28-anyos, habang nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer na naging dahilan upang siya ay maaresto.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nasamsam sa suspek ang mahigit 78 gramo ng hinihinalang shabu, isang (1) baril, mga bala, magasin at isang (1) motorsiklo.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nasa kustodiya na ngayon ng awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.