NAGA CITY- Bibigyan ng pagkilala ang mga Barangay Health Emergency Response Team na nag-alay ng kanilang panahon at buhay upang maprotektahan laban sa COVID-19 ang mga Nagueño at mga naninirahan o mga umuupa sa mga barangay.
Ayon kay City Events Protocol and Public Information Office Chief Allen Reondanga, isasabay ito sa Araw ng Kalayaan upang kilalanin ang kanilang kabayanihan.
Nanguna ang mga BHERT sa pagbabantay sa mga umuuuwi mula sa National Capital Region sa kasagsagan ng surge, nagmonitor sa mga may sintomas, mamahagi ng ayuda at marami pang iba.