Barangay Talisay, nakatutok sa paglaban sa dengue matapos makapagtala ng isang kaso sa pagpasok ng taon

Malawakang clean up drive at Information Dissemination Campaign (IEC) ito ang hakbang ng Barangay Talisay sa lungsod ng Sorsogon sa paglaban sa dengue sa kanilang barangay matapos makapagtala ng isang kaso nito sa pagpasok ng 2023.

Sa panayam ng Brigada News kay Kapitan Dennis Valladolid, sinabi nito na katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay puspusan ang kanilang ginagawang paglilinis sa kanilang lugar.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Lubhang mahalaga umano ito upang matiyak ang kalinisan ng kanilang barangay lalo na ngayong madalas ang pag-ulan lalo pa at malapit sila sa coastal at maraming mga drainage canal na maaaring pamugaran ng lamok dahil sa stagnant water.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Patuloy din ang pagbibigay nila ng impormasyon sa publiko kung paano makakaiwas sa dengue. Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal ng kooperasyon sa publiko upang hindi na madagdagan pa ang kaso ng dengue sa kanilang lugar.