9 pamilya sa Naga City apektado ng sunog kagabi, humihingi ng tulong

“Hindi ko alam kung papaano magsisimula.”

Ito ang naging pahayag sa Brigada News FM Naga ni Rommel Hernandez, isa sa mga nasunugan sa Barangay Calauag, Naga City kagabi.

Ayon kay Hernande wala silang naisalbang gamit mula sa nangangalit na apoy na nagsimula sa kapitbahay nito matapos na makalimutan umano ang niluluto.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Iniimbestigahan din ang umano’y paglalaro ng apoy ng isang bata.

Damit at pagkain ang hinihingi ngayon ng mga nasunugan na pansamantalang nanunuluyan sa Covered Court ng Barangay Calauag, nitong lungsod.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Samantala lumalabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa lungsod ng Naga na umabot sa 8 bahay ang naabo na tinitirhan naman ng 9 na pamilya.

Ayon naman kay FCI Peter Paul Mendoza ang City Fire Marshall ng BFP-Naga, tinatayang ₱20k ang iniwang pinsala at wala namang nasaktan sa nangyaring sunog.