Barangay Officials sa lungsod tatanggap ng tulong pinansyal mula ODESFA

SORSOGON CITY – Tatanggap ng tulong pinansyal mula sa ODESFA o Office of the Deputy Executive Secretary for Finance and Administration ang lahat ng opisyal ng barangay sa lungsod.

Nakatakdang tanggapin sa araw ng Lunes ng mga opisyal ng barangay mula sa East District ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P3,000.00.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Ang nasabing asistensya na inirelease ng  City Treasury ay mula sa Socio-Civic Project ng ODESFA kung saan benipisyaryo nito ang mga Barangay Officials sa buong lalawigan.

Sa Disyembre 14 naman ay nakaeskedyul ang pamamahagi ng nasabing halaga sa mga opisyal mula sa West District.

Read More:  Teen allegedly killed by stepfather after separation in Cebu

Matatandaan na noong araw ng Biyernes ay nauna nang nabigyan ng nasabing tulong ang mga barangay official mula sa distrito ng Bacon.

PHOTO: PIO Sorsogon City