Idineklara ng Regional Oversight Committee bilang drug cleared ang 29 na Barangay sa anim na nmunisipalidad sa probinsya ng Cagayan.
Ayon sa Police Regional Office 2, ito ay bahagi pa rin ng nagpapatuloy na drug clearing operations campaign sa Lambak ng Cagayan.
Ang 29 na barangay ay kinabibilangan ng Baquiling, Bulala Sur, Parrudun, Norte, Sanja at Toran sa Aparri; Alba, Bitag Grande at Poblacion sa Baggao; Centro West at Fugu, Ballesteros at Afunan-Cabayu at Catotoran Norte, Camalaniugan.
Kasama rin ang Basi East, Calamagui, Centro Northeast, Centro Northwest, Centro Southwest, Dassun Gadu,Furagui,Natappian East, Nattapian West, Pallao at Maddarulug sa Solana at ang Alabug, Battung, Centro 1, Dagupan at Lallayug sa bayan ng Tuao.
Ang nasabing deklarasyon ng drug cleared barangay ay pinangunahan ni Dir. Joel Plaza ng PDEA katuwang ang DILG, RCADD, Cagayan PPO at mga LGU.
Ipinunto ni Dir. Plaza na ang kooperasyon ng mga nabanggit na ahensya at local na pamahalaan ay malaking tulong sa kampanya kontra illegal na droga hindi lamang sa rehiyon kundi sa bansa.