Barangay officials, hindi dapat magpakakampante sa posibilidad ng suspensyon ng SBSKE

SORSOGON CITY – Pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon ang lahat ng mga barangay officials at SK officials na huwag magpakakampante sa kabila ng tila muling suspensyon ng Synchronize Barangay at SK elections (SBSKE) sa Disyembre.

Paliwanag ni DILG Sorsogon head Julius Rodel Cal-Ortiz, marami pang pag dadaanan bago tuluyang masuspende ang eleksyon at nasa unang bahagi pa lamang umano ito kung kaya’t may posibilidad pa rin na matuloy ang eleksyon.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Paliwanag pa ng opisyal, na kailangang consistent pa rin ang performance ng mga ito sa barangay may eleksyon man o wala.

Marami kasing residente ang umaasang matutuloy ang eleksyon dahil sa hindi magandang performance ng kanilang mga lider sa barangay.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Aniya pa, dapat ay gawin nila itong opportunidad na makabawi sa kanilang nasasakupan gayundin ang programa ng Sangguniang Kabataan.

Payo ng opisyal sa mga residente na maghain ng pormal na reklamo sa kanilang tanggapan oras na makakaranas ng hindi kaaya- ayang gawain ng kanilang mga opisyal. Nangako naman ito na agad nilang aaksyunan ang reklamo para mapanagot ang mga nasasangkot sa ilalim ng Local Government Code at sa batas.