COVID-19 cases sa Bicol ngayong taon, mas mataas kumpara sa kaparehong peryodo noong 2020 – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Sa kabila man ng pagdami at pagpapalakas ng pagbabakuna laban sa COVID-19 simula noong nakaraang taon ay siya namang pagdami ng mga kaso nito ngayong 2022.

Nilinaw kasi ni Dr. Kenn Nuyda ng RESU, na mas mataas ang naging bilang ng kaso ng naturang sakit noong August 14 hanggang 20 ngayong taon kumpara noong 2020 sa parehong mga peryodo.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon kay Nuyda, noong 2020 ay 172 na mga kaso ang naitala sa nabanggit na peryodo, ngunit ngayong taon ay lumobo ito sa 537 sa parehong peryodo.

Dahil dito, kinakailangan umano ng proteksiyon upang hindi na mapanatili ang mataas na bilang.

Dagdag pa niya, kapag buwan ng Agosto ay nagkakaroon ng bahagyang pagdagdag sa mga kaso ng naturang sakit.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Isa sa factors umano nito na kinokonsidera ay ang panahon ng tag-ulan, kung saan tinatawag din itong “flu season”.

Kung kaya, malaki ang posibilidad na ang mga sintomas ng COVID-19 ay halos pareho lamang sa mga simpleng sakit.

Gayunpaman, pinapaalalahanan ni Nuyda na ang lahat ng nakakaranas kahit simpleng trangkaso lamang ay kinakailangang maging cautions upang hindi na maexpose ang sarili sa iba pang mga tao.