Binigyang diin ng Sorsogon Provincial Information Office (SPIO) na walang advance ticket na ipinamimigay para sa Grand Pasalinggaya Raffle.
Sa pahayag ni Salvador Dong Mendoza, ang head ng opisina, sinabi nito na tulad ng mga nakaraang Pasalinggaya ang mga tiket para sa raffle ay ibibigay sa mismong araw ng event at sa mismong venue at walang makakakuha nito ng advance.
Ito anya ay upang masiguro na ang talagang mapapasaya ay ang mga pupunta sa aktibidad.
Kaugnay nito, pinayuhan ng opisyal ang publiko na huwag maniniwala sa mga sabi-sabi at maling impormasyon na nagbibigay na ng ticket para sa nasabing aktibidad upang hindi maabala. Pagtitiyak ng opisyal magbibigay naman sila ng abiso kung kailan itutuloy ang naantalang Grand Pasalinggaya Raffle.
