Regional winner ang Barangay Cogon sa bayan ng Gubat sa Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) para sa taong 2023.
Nasungkit ng nasabing barangay ang Rank 1 para sa 1st to 3rd Class Category habang Rank 2 naman ang Barangay Liboro sa Ragay, Camarines Sur at ang Barangay Fundado sa Labo, Camarines Norte bilang Rank 3.
Rank 1 naman ang Barangay San Jose sa Malilipot Albay para sa 4th to 6th Class Category habang Rank 2 ang Barangay San Isidro Talisay Camarines Norte at pangatlo ang Barangay Monserrat Magarao Camarines Sur.
Barangay Mailnta sa Masbate City naman ang nakasungkit ng Rank 1 para sa City Category habang Rank 2 ang Barangay San Agustin Iriga City Camarines Sur at Rank 3 ang Barangay Del Rosario Naga City.
Ang LTIA ay isang taunang Award Program na itinakda ng Local Government Code bilang pagkilala sa malawak na kontribusyon ng Lupon Tagapamayapa o Barangay Justice Committee sa pagsusulong ng mga tungkulin ng Katarungang Pambarangay kung saan isa ito sa paraan ng komunidad sa pagresolba ng mga hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga mga nasasakupan o personalidad sa loob mismo ng komunidad para hindi na ito umabot pa sa mga civil court.
