Guro ng paaralan na nilooban sa bayan ng pilar, nanawagan sa mga mapagbebentahan ng mga ninakaw na gamit na ipagbigay alam agad sa mga otoridad

Nanawagan sa publiko ang gurong si Domingo Monterde ng Bulabog Elementary School sa Barangay Dapdap sa Bayan ng Pilar, na kung sino man ang mapagbentahan ng mga ninakaw na gamit mula sa kanilang paaralan ay ipagbigay alam agad ito sa mga otoridad.

Sa panayam ng Brigada News kay Monterde, patuloy pa umanong inaalam ng mga otoridad ang mga suspek sa pagnanakaw ng mga kagamitan sa kanilang paaralan.

Read More:  Rare wildlife recorded by camera traps in Mt. Apo Natural Park

Matatandaan na nitong Mayo 30, nadiskubre ng mga guro at pamunuan ng paaralan na nilooban ang kanilang paaralan partikular ang apat na classrooms at ang principal’s office.

Ayon kay Monterde, kabilang sa mga nakuha ay ang amplifier at malaking speaker na gagamitin sana sa kanilang darating na graduation na nagkakahala na aabot sa P20K.

Read More:  Alleged ‘undersized’ culvert linked to Ilog village flooding, DPWH action sought

Kabilang din sa mga ninakaw ay ang  dalawang wall fan, dalawang extension wire, i projector, medicine box at apat na pirasong  plastic chairs.